Sharon Cuneta

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Sharon Cuneta (Larawan mula sa [1])


Si Sharon Gamboa Cuneta Pangilinan o mas nakilala ng karamihan bilang Sharon Cuneta ay isang sikat na Pilipinang aktres na nakilala rin sa paghohost, pagkanta at pag-eendorso ng iba't ibang mga produkto. Siya ay mas kilala rin sa loob at labas ng bansa bilang Mega Star ng syobis. Ito ay dahil na rin sa dami ng mga napanalunang karangalan magmula pa noong siya'y bata at hanggang ngayong siya'y may sariling pamilya na.


Mga nilalaman

Pinagmulan

Ipinanganak noong 6 Enero 1966, siya ay anak nina Elaine Cuneta, na nagmula sa Sta. Ana, Pampanga, at Pablo Cuneta, na dating alkalde ng Lungsod Pasay sa loob ng ilang dekada.


Sa Syobis

Pagkanta

Isn't It Romantic? Volume 2

Bata pa siya ay nais na niyang maging isang mang-aawit, at noong siya'y 12-taong gulang, natupad ang kanyang pangarap nang kantahin niya ang awiting "Mr. D.J.". Ito ay sumikat at bandang huli, binansagan siyang "D.J.'s Pet". Hindi nagtagal ay ginamit niya ang tawag na ito sa kanyang kauna-unahang album. Kasunod ng kantang iyon ay nagpasikat pa siya ng mga sumunod na awitin, at inalok rin siya na awitin ang iba pang mga kantang gagamitin sa iba't ibang mga pelikula. Siya na nga ang naging unang "movie soundtrack star" sa bansa.

Si Sharon ang kauna-unahang artistang Pilipino na naging matagumpay ang mga konsiyerto sa Los Angeles Shrine Auditorium una noong 1988 at naulit noong 11 Hunyo 2005 dahil sa dami ng mga nanood. Ang kanyang larawan ay nakahanay kina Michael Jackson, Barbra Streisand, at sa Ballet Folklorico de Mexico. Kahit ang dating alkalde ng San Francisco ay nagtaka dahil umabot sa puntong nagkaroon ng matinding trapiko naidulot niya. Dahil dito, pumunta rin ang alkalde sa kanyang konsiyerto at ginawaran siya ng "Honorary Key to the City of Los Angeles".

Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapareha sa pagkanta ang sikat na bituin mula sa Hong Kong na si Andy Lau. Kinanta nila ang "In Your Eyes" na isinulat ni Jim Brickman.

Noong 6 Disyembre 2007, inilabas niya ang kanyang pinakabagong album na pinamagatang Isn't It Romantic? Volume 2. At noong Enero 2008 ay ipinagdiwang niya ang kanyang ika-30 taon bilang isang mang-aawit, at ika-27 taon naman bilang artista.


Pag-arte

Matapos noon ay binigyan din siya ng mga pelikula ng Viva Films. Sa edad na 15-taong-gulang, pinagbidahan niya na ang sarili niyang pelikula at nakapareha ang pasikat pa ring si Gabby Concepcion na pinamagatang Dear Heart. Matapos nito ay lumabas pa siya sa higit 50 pelikula, at nakapagbigay sa kanya ng pagkilalang "Box Office Queen" ng bansa magmula taong 1985 hanggang 1993.

Crying Ladies

Sa karamihan ng kanyang mga pelikula, lumalabas siya bilang isang kawawang mayamang anak. Kung hindi naman, ang kuwento ay umiikot naman sa nakasanayang kuwento na mula sa kahirapan ay yayaman. Kung kaya naman, bagama't nagmula sa isang mayamang pamilya, nagustuhan siya hindi lamang siya nagustuhan ng mga sosyal, kundi maging ng masa. Bukod pa rito ang mga katangian niyang pagiging matalino, mapagbiro, at hindi mayabang.

Taong 1996 nang manalo siya bilang pinakamahusay na aktres sa iba't ibang mga gawaran para sa pelikulang Madrasta kung saan gumanap siya bilang isang mapagmahal na pangalawang asawa at pangalawang ina sa mga anak ng kanyang asawa. Nakahanay niya ang ilan pang mga mahuhusay na aktres katulad nina Vilma Santos at Nora Aunor na nagagawaran ng mga parangal na ibinibigay sa pelikulang Pilipino.

Taong 2004 nang siya ay parangalan ng Brussels International Film Festival bilang Pinakamahusay na Aktres para sa pelikulang Crying Ladies kung saan ginampanan niya ang karakter ni Stella Mate, isang dating nakulong at hiwalay sa asawang ina sa nag-iisang anak. Sa Maynila ay kasama niya ang kanyang dalawang kaibigan na tinanggap ang trabahong pag-iyak sa mga punerarya ng Intsik para lamang maipangbuhay sa kanyang anak.

Kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang anibersaryo sa syobis at pelikula ay gumawa siya ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema na pinamagatang Caregiver. Ito ay isang kuwento tungkol sa isang Pilipinang caregiver na naiipit sa pagitang ng responsibilidad na alagaan ang kanyang sariling pamilya sa Pilipinas at ang ang kanyang pasyente na kanyang kasalukuyang inaalagaan sa ibang bansa. Bukod pa sa kanyang pagdiriwang sa syobis, ang pelikulang ito ay magsisilbi ring selebrasyon ng ika-15 taon ng Star Cinema at ang pagbabalik sa pelikula ni Sharon matapos ang apat na taon.


Paghohost

Nagkaroon din siya ng sarili niyang musical variety show na pinamagatang The Sharon Cuneta Show (T.S.C.S.). Ito ang isa sa mga pinakamatagal na umere sa kasaysayan ng syobis magmula 1986 hanggang 1997.

Nagsimula naman ang kanyang abilidad sa paghohost kasama ang ilan pang mga nagsisikatan pa lamang na mga batang artista sa mga palabas katulad ng GMA Supershow, na tinawag ring Germspesyal, kasama si German Moreno, at ang Call Us Two for Entertainment kasama ang kanyang tiya at kapwa artistang si Helen Gamboa.

Sharon sa ABS-CBN

Noong Enero 2005, nagbalik telebisyon siya sa palabas na Wish Upon A Mega, isang selebrasyon para sa kanyang ika-39 na kaarawan. Dito ay tinupad niya ang 39 na kahilingan ng iba.

Nang sumunod na taon, nagkaroon muli siya ng selebrasyon sa ABS-CBN na pinamagatang Ang Pagbabalik ng Bituin. Isang buwan matapos nito, umere na ang isang panibagong palabas niya na tinawag na Sharon.

Hanggang ngayon ay naghohost pa rin siya sa programa niyang ito na umeere tuwing Linggo sa istasyon pa ring iyon.


Personal na Buhay

Sharonkiko.jpg

Ang kanyang pagkakapareha sa heartthrob ng Regal Films na si Gabby Concepcion ay naging matagumpay at pinakasikat na pagsasama sa pelikulang Pilipino noong dekada otyenta. Hindi nagtagal sy nagpakasal sila noong siya'y 19 na taong gulang noong 23 Setyembre 1984, kung saan kinuha nila ang dating pangulong Ferdinand Marcos bilang ninong. Ngunit ang kanilang pag-aasawa ay natapos rin agad. At noong Abril 1985, isinilang niya ang kanilang anak, isang babaeng pinangalanang Maria Kristina Cassandra Concepcion o KC Concepcion.

Taong 1996 nang makasal siya muli kay Senador Francis "Kiko" Pangilinan. Isinilang biya si Simone Francesca Emmanuelle o Frankie noong Disyembre 2000 at Maria Daniella Sophia o Miel noong Setyembre 2004. Ang kanyang panganay namang si KC ay legal nang naaring anak ni Senador Pangilinan. Since 1996, Cuneta has been married to Senator Francis "Kiko" Pangilinan. Cuneta gave birth to Simone Francesca Emmanuelle (Frankie) in December 2000 and Mariel Daniella Sophia (Miel) in September 2004. Her daughter KC, has been legally adopted by Senator Pangilinan.

Kumuha rin siya ng Associate in Arts sa Unibersidad ng Pilipinas Open University.


Mga Palabas sa Telebisyon na Tinampukan


Mga Pelikulang Tinampukan

Mga Album


Mga Parangal

Sa Pag-arte

  • 1984. Sa Hirap at Ginhawa. Film Academy of the Philippines.
  • 1984. Dapat Ka Bang Mahalin. FAMAS.
  • 1984. Dapat Ka Bang Mahalin. KOMOPB
  • 1992. Tayong Dalawa. Movie Magazine’s Film Review Awards. (Mario Hernando as Chairman)
  • 1997. Madrasta. PMPC Star Awards for Movies.
  • 1997. Madrasta. FAP.
  • 1997. Madrasta. People’s Choice Awards
  • 1997. Madrasta. FAMAS.
  • 1997. Madrasta. Gawad Urian.
  • 2002. Magkapatid. Manila Film Festival.
  • 2003. Crying Ladies. People’s Choice Awards. Metro Manila Film Festival.
  • 2004. Crying Ladies. Pasado Awards. (given by teachers)
  • 2004. Crying Ladies. Brussels International Independent Film Festival.
  • 2004 . DEKADA Best Actress Honoree . PMPC Star Awards for Movies
  • 2005. Pinakapasadong Artista/Natatanging Artista ng Taon (for Crying Ladies). PASADO Awards.

Sa Takilya

  • 1981-1982. Popular Teenage Queen of RP Movies. Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSF)
  • 1982-1983. Miss RP Movies. GMMSF.
  • 1983-1984. Miss RP Movies. GMMSF.
  • 1984. Box. Office Queen of RP Movies. GMMSF.
  • 1985. Box. Office Queen of RP Movies. GMMSF.
  • 1986. Top Female Box Office Star of 1985. "Bida sa Takilya" given during the FAMAS Awards
  • 1986. Box. Office Queen of RP Movies. GMMSF.
  • 1987. Box. Office Queen of RP Movies. GMMSF.
  • 1989. Box. Office Queen of RP Movies. GMMSF.
  • 1990. Elevated to the Box Office Hall of Fame. GMMSF.
  • 1991. Kahit Konting Pagtingin. Box Office Queen of RP Movies. GMMSF.
  • 1992. Maging Sino Ka Man. Box. Office Queen of RP Movies. GMMSF.
  • 1992 Box Office Record Award for "Maging Sino Ka Man" (with Robin Padilla as co-awardee) given by the Greater Metro Manila Theater Association.
  • 1993. Pangako Sa ‘Yo. Box. Office Queen of RP Movies. GMMSF.
  • 1996. Madrasta. Box. Office Queen of RP Movies. GMMSF.

Sa Musika

  • 1981. Jukebox Princess. BAMCI Promotions Awards, 1980.
  • 1985. Most Outstanding Female Concert Hall Act for “Sharon Solo With The Boys 1984 Concert. Aliw Awards
  • 1998. Plaque of Welcome and Appreciation (adopted daughter of L.A.) given by Los Angeles Mayor Tom Bradley during "The Sharon Cuneta US Concert Tour '88" at the Los Angeles Shrine Auditorium
  • 1990 . The first and only Asian to be included in the HALL OF FAME of the Los Angeles Shrine Auditorium given during “The Sharon Cuneta Concert Tour” in 1990. (Other Hall of Famers include Sheena Easton and Michael Jackson.)
  • 1991. One of 10 Most Outstanding Recording Artists. 7th Annual Tining Awards. (NPCP)
  • 1991. Double Platinum Award. For Broken Hearts Only
  • 1991. One of 10 Most Outstanding Recording Artists. 7th Annual Tinig Awards. (NPCP)
  • 1992. Best Performance by a Female Recording Artist (Ngayon at Kailanman)
  • 1992. Double Platinum Award. Sharon Movie Theme Songs
  • 1992. Triple Platinum Award. Sharon Sings Valera.
  • 1994. Platinum Award. Si Sharon at Si Canseco
  • 1997. The first and only Asian artist to be included in the HALL OF FAME of the MGM Grand Garden given after the "Mega Concert Tour 1997"
  • 1997. Gold Record Award. The Other Side of Me
  • 1998. Gintong Tining Awardee. Metro Star Search. *1999 . Gold Record Award (after a week) / Double Platinum Award. When I Love
  • 2001 . Certificate for breaking the house record (12,000 seating capacity) in the Hongkong Coliseum. HK Coliseum Concert. May 2001.
  • 2001. Gold Record Award. Nothing I Want More
  • 2002. Dangal ng Musikang Plilipino Award (Lifetime Achievement Award). Board of Directors of the Phil. Association of Recording Industry. November 2002.
  • 2006 . Lifetime Achievement Awardee . MYX
  • 2006 . Elite Platinum Circle Awardee . ASAP 06
  • 2006 . Double Platinum Award . Isn’t It Romantic
  • 2007 . Triple Platinum Award . Isn’t It Romantic
  • 2007 . Quadruple Platinum Award . Isn't It Romantic

Sa Paghohost

  • 1990 . Best Female TV Host. The Sharon Cuneta Show, PMPC Star Awards for Television
  • 1993 . Best Female TV Host. The Sharon Cuneta Show, PMPC Star Awards for Television
  • 1994 . Best Female TV Host. The Sharon Cuneta Show, PMPC Star Awards for Television
  • 1995 . Best Female TV Host. The Sharon Cuneta Show, PMPC Star Awards for Television
  • 1996 . Best Female TV Host. The Sharon Cuneta Show, PMPC Star Awards for Television
  • 2000 . Best Talk Show Host. Sharon, KBP Golden Dove Awards
  • 2006 . Sharon, Highly Commended Best Entertainment Presenter, 2006 Asian Television Awards.

Iba pa

  • 2001 . Hallmark Women Achiever Awardee. Honoree in Entertainment (along with Laurice Guillen) Hallmark Channel. Given during their Women's Week Film Festival Celebration. May 2001.
  • 2001 . Ulirang Ina Awardee.
  • 2002 . Patnubay ng Sining at Kalinangan Medal (for Cinema). City of Manila Awardee. (One of 12 Outstanding Artists) June 2002.
  • 2002 . 1st Celebrity Millionaire. Who Wants to be a Millionaire?
  • 2002 . 1st Celebrity Millionaire. Game Ka Na Ba?
  • 2003 . Celebrity Millionaire. Game Ka Na Ba?
  • 2004 . The Most Effective Product Endorser, survey conducted by AC Nielsen. February.
  • 2000 . No.5 in the list of the 50 Most Powerful People in Philippine entertainment. aired on channel 9)
  • TSCS . 40%+ viewership rate on its first telecast.2nd only after d Mike Tyson fight telecast
  • 1999 . One of the MOST ADMIRED FILIPINOS (#4, Women Category) Pulse Asia, Inc. Ulat ng Bayan Survey. September 2 - 16, 1999
  • 2004 . DEKADA Best Actress. PMPC Star Awards March 2004
  • 1993 . KAPP Chairman. 1993. (Kapisanan ng Artista ng Pelikulang Pilipino)
  • 2004 . One of the Philippines' 15 Best Actresses of All Time [According to the Director's Guild of the Philippine ( DGPI)]
  • 2004 . Ten Most Outstanding Men of the Philippinesne '(TOYM) Awardee
  • 1999. People’s Choice Awardee for Best Celebrity Website. Philippine Web Awards.
  • 2001. People’s Choice Awardee for Best Celebrity Website. Philippine Web Awards.
  • 2002. People’s Choice Awardee for Best Celebrity Website. Philippine Web Awards.
  • 1999-2002. Finalist in the Best Celebrity Website. Philippine Web Awards.
  • 1998 . YEHEY.COM'S TOP 20 SITES. November 1998
  • 2001 . One of the 10 Most Beautiful Women of Mega Magazine. 2001
  • 2004 . No.20 in BizNewsAsia’s list of Top 100 Most Powerful Filipinos for 2003.
  • 2003 . No.31 in BizNewsAsia's list of Top 100 Most Powerful Filipinos for 2002.
  • 2004 . One of Asia’s (Under-50) Movers and Shakers. (One of four Filipinos listed) Asia Inc. Magazine. February 2004.
  • 1998 . One of Istudyante’s (the first national newspaper for students) “ Idols of our Time”. With Robert Jaworski & Lean Alejandro. 1988.
  • 2001 . Reader’s Choice Awards- Female Star Quality. YES! Magazine
  • 2002 . Reader’s Choice Awards- Female Star Quality. YES! Magazine
  • 1999 . No.1 in the list of THE 15 BRIGHTEST STARS IN PHILIPPINE SHOWBIZ. Alan Diones. Moviestar Magazine. October ’99.
  • 1999 . One of the TOP 10 ACTRESSES OF THE DECADE. Noel Ferrer. The Manila Standard. November 1999.
  • 1999 . No.6 in the list of Local Showbiz’s Ten Most Intriguing Stars. Calvin Murphy P. Neria. May 1999


Mga Inendorsong Produkto

  • Lucky Me instant noodles
  • HavItAll
  • Seafood City
  • Globe telecom
  • Nestle ice cream
  • McDonald's
  • Tempra
  • Century tuna
  • Magnolia
  • Sara Lee
  • PH Care
  • Eskinol
  • Coke
  • Alaska milk
  • Super Ferry
  • Tide
  • Lux soap


Sanggunian

  • Asilo, Rita. "Sharon Cuneta, up close and personal". Philippine Daily Inquirer. 31 March 2007.
  • Dimaculangan, Jocelyn. "Sharon Cuneta misses her loveteam with Gabby Concepcion". Philippine Entertainment Portal. 7 December 2007.
  • Santiago, Erwin. "Sharon Cuneta battles unpredictable London weather". Philippine Entertainment Portal. 16 April 2008.
  • Sharon, Kiko share secret to long-lasting marriage (hinango noong 2 Mayo 2008)
  • Sharon and KC in paris and Bangkok (hinango noong 2 Mayo 2008)

Ihanay pakanan (ang talata)


Panlabas na Kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.