Mga Disenyo at Dekorasyong Pansining ng Sulu

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang mga tradisyunal na dekorasyong pansining sa Sulu ay gumagamit ng iba't ibang mga disenyo at simbolo na laganap sa maraming mga isla sa parte ng Timog-Silangang Asya.

Hindi lamang nangangahulugan ng kayamanan at estado sa lipunan ang mga tradisyunal na disenyo. Ang mga ito ay maaari ring gamitin sa mga pansariling kagamitan tulad ng sa mga damit, alahas, at sandata na karaniwang ipinagpapalit sa ilang seremonya tulad ng pagpangasawa(betrothal) at pagkawin (wedding), o maaari rin itong maging display bilang simbolo ng estado o posisyon sa lipunan sa ilang mga importanteng okasyon.

[baguhin] Iba't ibang uri ng mga disenyo

  1. Ukit (Ukkil Motifs) -Sa mga pangkat-etniko na Muslim, ang ukkil o ukit ay parehong nangangahulugan na isang sining ng paglililok at isang partikular na disenyong curvilinear na patungkol sa Arabesque. Ito ay may mga iba't ibang uri at disenyo.
  2. Manukmanuk (Bird and Cock Motifs) -Ang mga disenyong ito ay laganap sa sinauna at modernong sining na gumagamit ng mga ibon bilang tulong sa paglalayag.
  3. Solar Motif -Ang pangunahing anyo ng disenyong ito ay ang unibersal na simbolo ng Islam: ang kalahating-buwan at ang bituin.
  4. Sineko (Zigzag motif) -Ang sigsag o sineko ay kumakatawan sa kidlat na gumagabay din sa mga katutubong manlalayag sa paglalakbay.
  5. Alunalun (Wave Motif) -Ang alunalun ay kumakatawan sa mga alon ng dagat o sa mga lusay (seagrass) na tumutubo sa paligid ng mga isla.
  6. Tiali-tali (Rope Motif) -Ang tiali-tali ay kadalasang ginagamit sa sining na pang-eskultura ng mga panday, manlililok at mga magpapalayok.
  7. Ta'uta'u (Human Form Motif) -Ang ta'uta'u, o dagbus ta'u sa sining ng Sulu ay karaniwang abstrak at ma-estilo upang maiwasan ang paglalarawan sa isang eksaktong representasyon ng tao na sinasabing ipinagbabawal sa Islam.
  8. Burrak Motif -Ang burrak na disenyo ay hango sa sphinx, nilalang na may mukha ng isang babae, katawan ng kabayo at may buntot ng pabo.
  9. Kura'kura (Horse Motif) -Ang kura'kura ay isang disenyong ginagamit sa iba't ibang anyo. Ito ay maaaring walang binti, may pakpak o kaya naman ay may dalawang ulo.
  10. Insect Motif (Disenyong Insekto) -Kadalasang isinasama ang disenyong ito sa disenyong floral-foliate, ngunit ito rin ay mabisang ginagamit bilang isang dekorasyong pandisenyo, na maaring nililok, ipininta o binurda.
  11. Siyabit (Geometric Motif) -Ang disenyong ito ay hango sa tatlong pundamental na hugis: ang bilog, tatsulok, at parisukat, na kapag ginamit ay makabubuo ng malawak na mga disenyo.
  12. Sulat-Kuraan (Calligraphic Motif) -Ang sulat-Kuraan ay mga taludtod mula sa Qu'ran na inilalagay sa kahoy, bato, bakal o tela.
  13. Bangkabangka (Boat Motif) -Ang bangkabangka ay isang simbolo nang paraan ng pamumuhay ng mga katutubo kasama ang dagat.
  14. Luwang-luwangan (Through-and-through Motif) -Ang luwang-luwangan ay isang disenyo na isinasagawa sa pamamagitan ng cutup, cutout, o cut-through.
  15. Lukis sisik tanggiling (Fish-Scale / Dragon-Scale Motif) -Ang disenyong ito ay kadalasang ginagamit bilang isang pangunahing pangibabaw na dekorasyon.
  16. Sinungbay (Architectonic Motif) -Ang Sinungbay ay karaniwang makikita sa mga istruktura ng mga bahay na kathang-isip o mga relihiyosong santuwaryo. Ang disenyong ito ay karaniwang isinasama sa ukkil at siyabit (geometric) na disenyo.
  17. Walna' ukil (Color Motif) -Ang Walna' ukil, isang disenyo na nakakaakit sa mga katutubo, ay may mga tradisyon na sinusunod sa paggamit ng mga kulay sa kanilang mga sining.

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


[baguhin] Sanggunian

  • Amilbangsa, Ligaya Fernando. Ukkil: Visual Arts of the Sulu Archipelago. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2005.