Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pilipinas o (Department of Social Welfare and Development) ay isang ehekutibong sangay ng pamahalaan na responsable sa kapakanan, pagtatanggol sa karapatan, at pagpapaunlad ng bayan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ang konsepto nang pagkaroon ng kapakanang pangkawanggawa ay nabuo noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong taong 1915, itinatag ang Public Welfare Board (PWB) na may tungkuling pag-aralan, makipag-ugnay at ikontrol ang lahat ng pang-gobyerno at pang-pribadong sistema na bahagi sa pagkakawanggawa. Ngunit ito ay nalansag noong 1921 at napalitan ng titulong Bureau of Public Welfare sa ilalim ng Department of Public Instruction.

Noong taong 1939, nabuo ang Department of Health and Public Welfare ayon sa Commonwealth Act No. 439. 1941 nang ang Bureau of Public Welfare ay opisyal na naging bahagi ng Department of Health and Public Welfare. Kabilang sa kanilang mga tungkulin ay ang mga institusyong nakikibahagi sa wastong pag-aaruga at pagkalinga sa mga bata.

Taong 1947 nang buwagin ni Presidente Manuel A. Roxas ang Bureau of Public Welfare at binuo ang Social Welfare Commission (SWC) sa ilalim ng Office of the President.

Sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Elpidio Quirino, nabuo ang President’s Action Committee on Social Amelioration (PACSA) noong 1948. Ang SWC at PACSA ay pinagsanib noong 1951 at naging isang integrated public welfare program. Ito ay naging Department of Social Services and Development (DSSD) sa ilalim ng Presidential Decree No. 994 at di naglaon ay naging Ministry of Social Services and Development (MSSD).

Noong 1987, ang sangay ng gobyernong ito ay muling nagpalit ng pangalan. Mula sa katawagang MSSD, ito ay naging Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Executive Order 123 na nilagdaan ni Presidente Corazon C.Aquino.

[baguhin] Pananaw

Ang makatulong sa pag-unlad ng mga mahihirap, mga lantad sa panganib at may mga kapansanan na indibiduwal, pamilya at komunidad.

[baguhin] Misyon

Ang makapagbigay ng kaukulang proteksyon sa lipunan upang itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mahihirap at mga nasa panganib na indibiduwal, pamilya at komunindad at maiahon sila sa hirap sa pamamagitan ng mga programa, patakaran, proyekto at mga serbisyo kasama ang local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), people’s organizations (POs), ibang organisasyon ng pamahalaan at miyembro ng lipunan.

[baguhin] Mga Kautusan

Ang makapagbigay ng kaukulang tulong sa mga local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), people’s organizations (POs) at iba pang organisasyon ng pamahalaan at maisagawa at maisakatuparan ang mga programa, proyekto, at serbisyo na makapagpapagaang ng paghihirap ng mga dukha, mga nasa panganib na indibiduwal, pamilya at komunidad.

[baguhin] Mga Programa

[baguhin] Serbisyong pang-Komunidad

Pang-Kabataan

  • Child Protective Services
  • Therapy Services for Abused Children
  • Alternative Family Care
  1. Adoption
  2. Foster Family Care
  3. Legal Guardianship
  • Travel Clearance to Minors
  • Special Social Services for Children in Armed Conflict (CIAC)
  • Government Internship Program (GIP)
  • Rehabilitation Services for Children in Conflict with the Law (CICL)

Pang-Kababaihan

  • Services for Women in Especially Difficult Circumstances

Pang-Matatanda

  • Neighborhood Support Services for Older Persons
  • Neighborhood Support Services for Elder Persons (NSSOP)

Para sa may Kapansanan

  • Sheltered Workshop for Persons with Disabilities (PWDs)

Pang-Pamilya at Komunidad

  • Self-Employment Assistance-Kaunlaran (SEA-K)
  • Tindahan Natin (TN) Project

[baguhin] Serbisyong pang-Kliyente

  • Rehabilitation Sheltered Workshop (RSW)
  • National Vocational Rehabilitation Center (NVRC)
  • Area Vocational Rehabilitation Center (AVRC)
  • Center for the Handicapped
  • INA Healing Center
  1. Social Services
  2. Psychological Service

[baguhin] Serbisyong pang-Residensyal

  • Reception and Study Center for Children
  • Haven for Children
  • Nayon ng Kabataan
  • Home/Center for Girls
  • Home for Boys
  • Lingap Center
  • Marillac Hills (kilala din bilang National Training School for Girls)
  • National Training School for Boys (NTSB)
  • Regional Rehabilitation Center for the Youth (RRCY)
  • Youth Hostel
  • Golden Acres/Home for the Elderly/Home for the Aged
  • Elsie Gaches Village
  • Sanctuary Center
  • Jose Fabella Center

[baguhin] Teknolohiyang Pangkawanggawa at Pag-Unlad

  • Child Friendly Investigation Studio
  • Information Technology Literacy Program for Out-of- School Youth and Youth with Disability (SCALA Program)
  • Group Home for Older Street Children
  • Special Drug Education Program (SDEC)
  • Half-Way Home for Children in Conflict with the Law (CICL)
  • Character Building Program in Residential Care for Children and Youth
  • Rehabilitation Services for Children in Conflict with the Law (CICL)
  • Rape Crisis Center
  • Care and Support Services for Persons Living with HIV/AIDS and Family/Children (R.A. 8504)
  • Intergenerational Program
  • Group Home for Older Persons
  • Foster Home Program for Older Persons\Persons with Disabilities
  • Volunteer Service Program of Golden Acres
  • Family Drug Abuse Prevention Program (FDAPP)

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.