Gomburza

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Gomburza (Picture from ([1]).

Ang salitang Gomburza ay nabuo mula sa pangalan ng tatlong pari, na sina Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez, na binitay noong 17 Pebrero 1873 ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa Cavite noong 1872. Dahil sa kanilang hindi makatarungang kamatayan, sumiklab ang damdamin ng mga Pilipino at nag-iwan ito ng matinding epekto, lalong-lalo na kay Jose Rizal. At dahil dito, inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa kanila.

Mga nilalaman

[baguhin] Tatlong Pari

[baguhin] Mariano Gomez

Ipinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila, si Mariano Gomez ang nauna na binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos.

Ang kanyang pamosong huling mga salita ay, “Let us go where the leaves never move without the will of God.”

[baguhin] Jacinto Zamora

Ang susunod na binitay ay si Jacinto Zamora, na ipinanganak noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na, “Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.

[baguhin] Jose Burgos

Si Jose Burgos, ipinanganak noong 9 Pebrero sa Vigan, Ilocos Sur, ang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral.

Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, “Wala akong ginawang anumang kasalanan!” (“But I haven't committed any crime!)


Ang Gomburza ay hindi lamang naging inspirasyon para kay Rizal ngunit pati na rin kay Bonifacio at sa mga Katipunero.

Sinasabi na kung hindi nangyari ang rebelyon sa Cavite at ang pagkabitay sa tatlong paring martir, maaaring iba ang tinahak na direksyon ng buhay ni Rizal. Makikita sa kanyang pag-aalay sa El Filibusterimo, ang epekto ng kamatayan ng Gomburza sa kanyang kamalayan:

  1. if:
{{#if:|
border: 1px solid #AAAAAA;

}}" class="cquote"

width="20" valign="top" style="color:#B2B7F2;font-size:{{#switch:20px 10px=20px 30px=60px 40px=80px 50px=100px 60px=120px The Church, in refusing to degrade you, has placed in doubt the crime imputed to you; the Government, in shrouding your cause with mystery and obscurities, creates belief in some error committed in crucial moments, and the whole Philippines, in venerating your memory and calling you martyrs, in no way acknowledges your guilt.

As long therefore as your participation in the Cavite uprising is not clearly shown, whether or not you were patriots, whether or not you nourished sentiments of justice and liberty, I have the right to dedicate my work to you, as to victims of the evil that I am trying to fight. And while we wait for Spain to reinstate you and make herself culpable for your death, let these pages serve as belated wreath of dried leaves laid on you unknown graves: and may your blood be upon the hands of those who, without sufficient proof, assail your memory!

width="20" valign="bottom" style="color:#B2B7F2;font-size:{{#switch:20px 10px=20px 30px=60px 40px=80px 50px=100px 60px=120px
{{#if:|

—{{{4}}}{{#if:|, {{{5}}}}}

}}

}}

--Rizal, El Filibusterismo


[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.