Gaspar Aquino de Belen

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Gaspar Aquino de Belen ay isang Pilipinong manunulat noong ika-17 na siglo. Kilala si Aquino de Belen sa kanyang tula na "Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola." Kabilang ang tula sa librong Manga Panalanging Pagtatagobilin sa Caloloua nang Tauong Naghihingalo na inilathala ng Imprenta de la Compañia sa Maynila noong 1760. Ang tula, na naisulat sa wikang tagalog, ay tungkol sa buhay ng Panginoong Hesus mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang pagkabuhay.


Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.