Emilio Aguinaldo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Para sa munisipalidad, silipin ang Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite.
Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Emilio Aguinaldo.
{{#if: - | }} {{#if: - | }} {{#if: - | }} {{#if: - | }} {{#if: - | }} {{#if: - | }} {{#if: - | }} {{#if: - | }}
Emilio Aguinaldo y Famy
Aguinaldo.jpg
Unang Pangulo ng Pilipinas
Diktador ng Pamahalaang Diktadorial
Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo
Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas
Panahon ng Panunungkulan
Enero 24, 1899 - Abril 1, 1901
Bise Presidente  Mariano Trias
Sinundan ni Manuel L. Quezon
Kapanganakan Marso 22, 1869
Kawit, Cavite
Kamatayan Pebrero 6, 1964 (94)
Veterans Memorial Hospital, Lungsod ng Quezon
Partidong politikal Magdalo faction – Katipunan (1897)
National Socialist Party (1935)
Asawa Hilaria del Rosario (kinasal 1896, † 1921)
Maria Agoncillo (kinasal 1930)
Propesyon militar
Relihiyon Katoliko


Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay ang kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ay isang Filipinong heneral, pulitiko, pinuno ng kalayaan at bayanina nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas.

Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel L. Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Ikapito sa walong anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy, si Emilio ay ipinanganak noong ika-22 ng Marso 1869 sa Cavite Viejo (Kawit ngayon), Cavite. Bukod sa kanyang ama na gobernadorcillo (alkalde ng munisipal) ng bayan, ang kanyang pamilya, na kabilang sa mga Chinese-mestizo, ay masaya sa kanilang komportableng buhay.

Bilang isang bata, si Miniong (kaniyang palayaw) ay tinulungan ng kaniyang tiyahin na makapag-aral at siya'y pumasok ng elementarya sa bayan. Noong 1880, siya ay nag-aral ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran. Nang namatay ang kanyang ama noong siya ay nasa ikatlong taon, umalis si Aguinaldo sa paaralan at umuwi sa kanila upang makatulong sa kanyang nabiyudang inang sa kanilang mga sakahan.

Sa edad na 17, inihalal siyang Cabeza de Barangay (pinuno ng barangay) ng Binakayan, ang pinaka-progresibong baryo ng Cavite El Viejo. Hawak niya ang posisyon na ito ng walong taon. Noong 1893, ang Batas Maura ay naipasa upang ayusin ang pamahalaan sa mga kabayanan sa mga layuning gawin ang mga ito na mas epektibo at nagsasarili. Simula 1895, pinalitan ang tawag sa pinuno ng bayan mula gobernadorcillo ay naging Kapitan ng Munisipal. Noong ika-1 Enero 1895, si Aguinaldo ay inihalal na pinuno ng bayan.

Noong 1896, si Aguinaldo ay nagpakasal kay Hilaria del Rosario ng Imus, Cavite. Sila ay nagkaroon ng limang anak (Miguel, Carmen, Emilio Jr, Maria at Cristina). Noong 1930, siyam na taon matapos mamatay ng kanyang asawa, si Aguinaldo ay nagpakasal sa kanyang ikalawang asawang si Maria Agoncillo, pamangking babae ng Don Felipe Agoncillo, isang diplomatiko.

[baguhin] Rebolusyon

Noong 1895, sumali siya sa kapatiran ng Katipunan, isang lihim na organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, na layuning paalisin ang mga Espanyol para sa kalayaan ng Pilipinas. Siya ay sumali bilang isang tenyente sa ilalim Heneral Baldomero Aguinaldo at tumaas ng pwesto bilang isang heneral sa loob ng ilang buwan. Sa Katipunan, siya ang tumulong sa Pilipinas upang masimulan ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol noong 1896. Kasama ni Dr. Jose Rizal, inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol, at ginapanan niya ang pamumuno sa kilusan pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Nakipaglaban ang mga Espanyol sa pamamagitan ng pwersang militar at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon. Nagwagi si Aguinaldo sa ilang mga labanan sa Cavite, na nagtulak upang pansamantalang mapaalis ang mga Kastila sa lugar nila. Gayunman, ang mas pinalakas na puwersang militar ng mga Kastila ay nagtulak sa mga rebelde na mas patibayin pa ang kanilang istuktura.

Nanguna si Bonifacio sa Tejeros Convention sa Tejeros, Cavite upang humirang ng isang rebolusyonaryong pamahalaan kapalit ng Katipunan noong ika-22 ng Marso 1897. Dahil malayo sa kanyang kampo, natalo si Bonifacio sa pwesto ng pamumuno kay Aguinaldo, at sa halip ay inihahalal bilang Kalihim ng Panloob. Maging ito ay na-kwestiyon ng taga-suporta ni Aguinaldo sa dahilang hindi nakapag-aral si Bonifacio. Dahil sa sama ng loob, pinawalang-bisa ni Bonifacio ang kumbensyon at ninais na bumalik na lamang sa Rizal. Si Bonifacio ay hinatulan, nilitis at napatunayang may salang pagtataksil (sa pagliban) ng husgadong militar ng Cavite. Siya ay pinatawan ng parusang kamatayan.

[baguhin] Pangulo

Noong 1898, nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si Aguinaldo sa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa una nakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglaban kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol – kasama ng paglilipat ng maghigit na 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon pa man, ang pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi sila nagpakita ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gaya ng ginawa ng mga Espanyol noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapulungan ng Saling-batas ng Pilipinas bilang pangulo noong Enero 23, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropang Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899.

[baguhin] Pananakop ng Amerika

Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isang malungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga magigiting na heneral,tulad ni Heneral Gregorio del Pilar,sumuko lamang siya nang hindi lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal na panahon, hanggang sa 1935 nang ipahayag siya na kakandidato siya bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas; tinalo siya ni Manuel L. Quezon sa halalan.

[baguhin] Pananakop ng mga Hapon

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumawa si Aguinaldo nygasdgkjdjkjkaldgjadgsagg











<a href=http://train-games.club/ >http://train-games.club/</a>













<a href=http://train-games.club/ >train-games.club</a>

[baguhin] Mga Kontrobersiya

Kahit bayani ang tingin sa kanya sa kasalukuyan, may mga kinasangkutang kontrobersiya ang dating pangulo. Noong kasagsagan ng pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, sinasabing si Aguinaldo mismo ang nagutos sa kanyang mga tauhan na ipapatay si Andres Bonifacio sa salang pagtatraydor sa kanyang Gobyerno, sinasabing siya rin ang nag utos sa pagpatay kay General Antonio Luna sa Cabanatuan.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing



[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.